Posts

Showing posts from November, 2020

Pandemic ka lang, I am a Filipino

Image
  Nagsimula nang maglakbay ang katahimikan sa buong kapuluaan, nagbabantang sakit ay tutukan. Maging sa ilang sulok yaring bansa’y naapektuhan, lakas na nananamlay ng medisinang sandatahan.  Mga matang nagmamasid, ang sakit na naglalakbay sa himpapawid. Ibayong pag-iingat ng mga kayumanggi sa digmaang paparating. Ngunit tila ang bato ay kayhirap durugin, mananatiling buo ilang bagyo man ang dumating. Ganyan ko ilarawan ang mga Pilipino na sa kabila ng pandemyang unti-unting nangingibabaw sa bansang tirik na tirik ang pagtaas ng mga kaso ng lumalaganap na sakit, kayumangging tunay na nanatiling lumalaban sa along patuloy ang paghila ng mga buhay. Sa isang iglap ay magbabago ang lahat, mangangatok sa pinto ang abo ng bangkay, kung kayat hindi natitiyak bawat segundo ang kaligtasan sapagkat ang sakit ay walang pinipilang lugar sa lahat ng pagkakataon itoy nagbabantay. Sa gitna ng mapanghamong mundo, sa ilalim ng bagong pamumuhay kung saan tayo ay nabubuhay sa higit na pag...