Pandemic ka lang, I am a Filipino

  Nagsimula nang maglakbay ang katahimikan sa buong kapuluaan, nagbabantang sakit ay tutukan. Maging sa ilang sulok yaring bansa’y naapektuhan, lakas na nananamlay ng medisinang sandatahan. 

Mga matang nagmamasid, ang sakit na naglalakbay sa himpapawid. Ibayong pag-iingat ng mga kayumanggi sa digmaang paparating. Ngunit tila ang bato ay kayhirap durugin, mananatiling buo ilang bagyo man ang dumating.

Ganyan ko ilarawan ang mga Pilipino na sa kabila ng pandemyang unti-unting nangingibabaw sa bansang tirik na tirik ang pagtaas ng mga kaso ng lumalaganap na sakit, kayumangging tunay na nanatiling lumalaban sa along patuloy ang paghila ng mga buhay. Sa isang iglap ay magbabago ang lahat, mangangatok sa pinto ang abo ng bangkay, kung kayat hindi natitiyak bawat segundo ang kaligtasan sapagkat ang sakit ay walang pinipilang lugar sa lahat ng pagkakataon itoy nagbabantay.

Sa gitna ng mapanghamong mundo, sa ilalim ng bagong pamumuhay kung saan tayo ay nabubuhay sa higit na pagdami ng mga peligrong dumarating. Tila hindi na umiiral ang mundo, patuloy na lamang ang pagyuko at manatiling sanayin ang sarili sa ganitong sistema na katulad ng pandemyang lumalagananap ay higit na namumuhay ang tao sa takot at pag-aalala. Tunay na malaking pinsala ang nagagawa ng pandemyang ito sapagkat maging ang tao ay nagiging paralisado sa sitwasyong uni-unting humahatak ng kaluluwa hanggang sa lahat ay isa-isang babagsak ang mga luha, sa mga bangkay ng yaring sakit ay napinsla.

Subalit, ang pagtigil ng kanilang mundo ay siyang pag-iral ng aming paniniwala na darating din ang pagsikat ng araw, marami mang hadlang ay tuloy parin ang laban sapagkat kami ay Pilipino, tunay na lumalaban at nananatiling matatag at malakas sa panahon ng paghihirap dahil hindi na mawawala ang ngiti sa aming mga labi, iyan ang tunay na Pilipino na kahit ilang pagsubok man ang maging hadlang ay buhay parin ang pagkaka-isa. Iba ang pinoy kapag nahihirapan, kahit isipin man nila tayo ay nasisiraan. Minsa’y magugulat ka, sapagkat sa libo-libong problmea ay nakuha parin nilang tumawa.

Nagsimula nang maglakbay ang katahimikan sa buong kapuluaan, nagbabantang sakit ay tutukan. Maging sa ilang sulok yaring bansa’y naapektuhan, lakas na nananamlay ng medisinang sandatahan. 

Mga matang nagmamasid, ang sakit na naglalakbay sa himpapawid. Ibayong pag-iingat ng mga kayumanggi sa digmaang paparating. Ngunit tila ang bato ay kayhirap durugin, mananatiling buo ilang bagyo man ang dumating.



Comments

Popular posts from this blog

The "A" I never forget and the "N" that will never end.

Request 1

ENGINEERING SOCIALIZATION NIGHT 2022